panay.idlip.net

padaan po muna

May 21, 2008 6

mahal kong blog na panay idlip,

antahimik ah…hmmm. hello panay idlip musta ka naman..galaw galaw naman, baka ma-stroke. haha. :lol: eun. nu na ba nangyari sa akin?

actually, andito ako ngaun sa library. nagpapalipas oras lang. panu, ang aga nagpa-meeting ni sir maharlika. haha levi na nga lang. aun. 7:30 kanina sa arcade. tapos 2pm pa duty ko sa OR. Musta naman db? gusto ko sana umuwi kaso nagdesisyon na ako, dito na lang ako mag-stay. malamig pa. hehehe. aun.

saya ng meeting kanina, nagpakain si sir ng bibingka plus C2 hehe. ang bait talaga ni sir levi, concerned talaga siya samin. nawa talaga hindi kami maboljakan sa case pres namin ng Copar. hahaha.

kwentong OR naman tau. lam mo ba, ang saya sa OR haha asteg talaga! gusto ko tuloy maging OR nurse hehehe. kahit ganun ka toxic pero masaya. hehehe. first scrub ko eh exploratory laparotomy! naku kinalkal ang abdomen nung patient kaya nakakita na din ako ng liver, gallbladder, stomach, at mga intestines. hahaha. babaw ng kaligayahan ko nuh? wala lang. masaya lang kasi. tapos ang galing2 pa nung surgeon. ka-elibs talaga. kaso, mejo natoxic ako sa mga OR instruments. andami! unlike sa ASC, konti lang…hehehe. tapos, nung mga sumunod na araw. konti lang ung case. kasi naman afternoon shift kami. pero ok lang.

thursday naman start ng immersion. 7:30 ata kami nakarating dun sa pulilan. ansaya. maulan pero maalinsagan ang panahon. nanlagkit lang naman kami. tas sa pulilan central school kami tumira,. from thurs to saturday morning. ang swerte ng group ko kasi sa principal’s office kami natulog. maganda ung cr at may sink pa. may aircon din!hahaha.

friday morning nag-bahay2 na kami. interview ba. buti na lang hindi umulan nun. may hangover pa ng fiesta ung mga tao dun kaya nung kinuhanan namin sila ng BP,.aba,,..antaas. heheh. tapos un.

nasubukan din pala nung panahon na un ung patience ko. buti na lang, hindi ako naggiveup. mababait din kasi mga kgrupo ko eh. buti na lang, nahuli ko ung mga “kiliti” nila at kahit papaano eh nakikipag-cooperate sila sa akin. salamat talaga kay Lord. salamat sa Patience. hehehehe

tapos puyatan ever sa pagtally. 4:30 Am na kaming mga leaders nakatulog. so musta naman, at gumisng ata ng 6. then,.nagprepare, sumakay sa bus…then 9:30am saturday, asa skul na let kami. bakit maaga? kasi, may exam pa daw kami! 1pm! cool noh?

so 1 hour lang ata naitulog ko. sabog pa ako at that time at wala ng aral aral. nakatulog pa nga ako habang nageexam .,asar ung proctor ginising pa ako. haaay. bagsak ata namin ung exam. so wag nila kami sisihin at nanggaling pa kami sa immersion. hehehe.

aun. so nung sunday, wala lang. naglaba. nagpuntang sm. nagmeeting dito sa skul with other grp leaders. hindi kami toxic noh?hehehe. haaay

monday,.duty ulet. hindi ako nakapagscrub. circulating nurse lang ako. nakakaaliw na nakakapagod ang maging circulating nurse. kuha ng ganito ganyan sa csr. hehehe..pero masaya. katuwa pa nga kasi nalaman ko na kabatch pala ng kuya ko ung isang staff dun. kabatch nia nung hayskul. hehe. naitanong pa ako kung kapatid ko daw si ian (kuya ko) aun. haha. la lang…

kahapon, walang operation. nabato lang talaga. nakaka-bato talaga. chismisan lang sa birthing room, ang happy room ng mga nursing students. hehe. nasayang ang araw. tsk.

aun. ngayon, wait ko pa ung mga pinagawa kong mga interpretation at implications ng mga data na nagather namin nung last week sa bulacan. ang toxic ko na talaga. hehehe. bukas punta ulet kami dun.

haaaay. sana matapos na ito. gusto ko ng break. sa may 27 may make-up duty pa kami. huhu. mukhang wala na akong bakasyon gawa nitong COPAR. sayang hindi ako makakasama sa baguio. di ko makikita si bi-ep. hehehe. :lol:

bawi nalang ako sa pagdating ni karmi. hahahaha. burger burger burger!!!

sino gusto sumama sa EB hahaha. trinoma daw oh.

aun. idlip. magbabakong anyo ka din pala by june. haha. monthly baSIS na lang ang pagpalit natin ng layout ha.hehehe

o cge na . bloghop muna ako.namiss ko mga friends dito sa blogworld. di na ako updated. hehehe. may meeting pa pala mamaya. haaay. ok…

bye. mwah.

palagi,

yeye :)

mukhang maghihiatus na naman ako

May 9, 2008 7

mukha nga. pasaway. hindi naman ako busy ngayong summer ano?

starting monday, sa Operating room na kami naka-duty. from 3pm to 11 pm. may 12, 13, 14 and may 19, 20, 21. eksayted na ako

at sa may 15,16,17 and may 22,23,24, nasa poblacion pulilan bulacan naman kame. immersion un. haaaay. bakit ngayon lang kami magiimerssion? aba ewan ko.

so two weeks, mukhang hindi ako makakapag-online. haaay. how sad.

hiatus na naman.

ang panget pala ng bagong layie ko. madilim. ung comments section mejo mahirap hanapin. tignan nio na lang ung number sa upper right corner ng isang post. sana nagetz nio. hehehehe

tigang na talaga tong blog ko. haaay

eto na lang pu. share ko lang. ahmm nung april 27 pala nagpadala ng package ang aking pinakamamahal na bi-ep. ang sweet. hahahaha. regalo nio nung mansari namin. haru. di naman ako nasurprise sa gift nia kasi nahahalata ko na na may ipapadala siya. hahaha. mas nasurprise pa ung mga tao sa bahay. haha la lang. fresh from baguio pa yan. the effort. hmmmm

please meet our new baby:

BABY BEAR MATTHEW :)

featuring the eyes of oliver hahahaha

pix taken by oliver. sa cp nia. nagpapiktyur muna sila ni matthew bago nagpa-LBC. hehehehe

mukhang babuy ung bear nuh? pero sabi daw nung ate sa blue magic, bear daw xa. hehe =)

hug ko yan parati. hehehe. kyut kyut noh? :)

haberdey pala kay jov adbot!!!!!! ayan adbot. special mention ka pa dito nyahahahaha. la lang.

yan lang. wala na naman ako na-ipost na matino. hahahaha

bounz na ako.

byeeeee

Taya na naman ako.

May 6, 2008 2

Dahil nga sa ako ay nagbalik at biglang nawala…ayan. may tag ako. dalawa. ung kay eloiski, hindi ko na gagawin kasi nagawa ko na un dati hehehehe

eto naman ay galing kay linglingbells

Eto daw ang rules:

Name 11 people you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all the 11 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating.

———————————————————–

1. Berd
2. Domz
3. Gen
4. Kay
5. Baby bear
6. adbot
7. oinkeeeey
8. buddy jc
9. aia
10. arvin
11. karmi

1. How did you meet # 4? Pinakilala siya sa amin ni Bing, magclassmate kasi sila nun sa ncba. eh gusto nitong ni kay na sumali sa dancing ministry kaya aun.

2. What would you do without #5? hindi ko alam. hindi ko maimagine. siguro mahihirapan ako magdecide para sa mga bagay2. he’s my favorite mentor/adviser ever.

3. What would you do if #2 and # 6 were going out? panalo. alam na sa nevada daw sila punta. hahaha gudlak kapatid na domz hahaha

4. Who’s #10’s best friend? sguro si no. eleven hehehehe ayihiiiiieeeee

5. Have you ever eaten around #1? hahaha. hindi pa.

6. Do you miss #2? oo naman.

7. Who is #11 dating? di ko alam. wala naman diba karmi? hahaha

8. What do you think of #3? ah c gen? hhmmm..ayan talagang nagisip ako hahaha. hmmm.. my girlfriend. hehehe.

9. What do you think of #9? friend. hehehe. katabi ko yan lagi sa upuan kasi magkasunod kami pag alphabetical order. sana hanggang grad magkatabi padin kami. yehey!!

10. Who does #2 like? wala. di ko alam. clueless. hahaha. madaming gusto yan eh wahahahaha

11. Would you marry #8? di pwede c number 1 na lang

nagbalik na nga pero biglang nawala. bakit??

kasi, nagkasakit ako. oo. tama. nagkasakit ako

nung wednesday sa caloocan puericulture, puro tulog lang ginawa ko. buti walang case. grabe. ewan parang ang bigat ng pakiramdam ko. headache. un. nung uwian, dumaan pa sa jollibee ang sasakyan namin. nanlibre si miggy ng sundae. eun. kumain ako. gudlak naman. mejo sinisipon na din ako at that time. sayang naman kung tatanggi ako eh biyaya un. biyaya pero….

pagdating ko sa bahay, nagayos ng sarili, tas natulog. grabe ang init.

1am. nagising ako. ang init talaga. feeling ko nilalagnat ako. kumuha ako ng thermometer. 39 degress celsius. amp. ang taas ng lagnat ko anu ba un????!! uminom agad ako ng paracetamol. hahaaayz.

5:30am ginising ako ng mama ko kasi punta na sila airport. punta sila ni papa sa iloilo. babay. babay may parents….at hello bahay. ako ang nanay for 11 days!!!!

kaso nilalagnat padin ako. check ng temp dito, inom ng gamot, TSB, tulog. ang sakit ng katawan ko. trangkaso na ito. kalungkot. buti na lang may 1, walang pasok kapatid ko kundi ako lang iwan sa bahay. wawa naman ako.

over fatigue daw. anu? rest lang daw. haaaay. panu kaya un. haaaaay. nagpahinga naman ako hehehe. til saturday. hahaha. akyat baba ung temp ko. akala ng iba dengue na hahahaha

thank you sa bi-ep ko kasi kahit nasa bed lang ako, hindi naman ako na-bore kasi nagpaload siya sa sun a tinawagan ako. hehe. labyu. haha. ang layo kasi nia eh.hindi nia daw ako maalagaan. pero ok lang. i can NURSE MYSELF.hahhaha. tama ba yan?

aun. nung sunday na talaga ako tuluyang nakarecover. nung sunday naglaba naman ako ng labahan at nung gabi nagplantsa ng mga uniform ko at mga damit ng mga kapatid ko. ang bait kong nanay ay este kapatid ano? hahaha

pero nung ginagawa ko yang mga yan, nagdadasal na ako at sinasabi ko sa sarili ko na:

mama….umuwi ka naaaaaa!!!!!!!

haha. ang hirap ng walang magulang sa bahay. pero aus lang kasi hindi maingay. hehe

aun. ang hirap magkasakit. bakit ganun. tuwing may 1 ako nagkakasakit. dati nung 12 yrs old ako nung may 1 din ako nagkasakit. tas last yr ata, may din ata un…waaaah

iinom na talaga ako ng vitamins…pramis!!!!

pacheese burger ka naman

April 27, 2008 7

at dahil nagbalik na ako, pacheese burger ka naman!

LOL. kaumay na ang katagang iyan. mcdo madness. amft. hehehe.

musta naman kayo? ay musta pala ako? hahaha. senxa na ngayon lang ako nagbalik. super tagal na pala ng hiatus ko. huhu. ang toxicness kasi ng buhay eh!! hahaizt

so kamusta nga pala ako at anu na ba mga nangyari sa buhay ko lately? hehe..

eto isa-isahin natin :)

DUTY SA ASC (Ambulatory Surgical Center)
-aun. masaya naman. sobra. isa sa pinaka-hindi-ko-malilimutang-duty sa buong nursing layp ko. hehehe
-CI namin si Mam Lanie Francisco…mabait. tska cool kasama.
-mini operating rum ung asc. so it means puro operations ang meron dun. mga minor operations like circumcision, excision biopsy, etc…
-ang saya. nakakakaba nung una. lalo na ako, ako ung pinakaunang nag-assist sa consultant. kasi ung iba first assist nila eh sa resident doctors lang, ok lang magkamali. pag sa consultant, hmmm ok lang nman pero may iba kasi na brutal, ung tipong nanghahagis ng mga gamit hahaha.
-kay Dr. Sanchez un. mabait naman. kaso nung una nagkakamali talaga ako kasi nga nikakabahan ako nun, pero di nia ako pinagalitan, tinuruan pa nga ako eh. bait talaga. hehehe. tas nakakausap ko paxa…very good daw para sa first timer. hehehe. palakpak tenga hahahaha. galing2
-at dahil dun, cinrongatulate ako ng CI namin. dahil i can handle things well under pressure. hahahaha. wooooh chamba lang un hehe joke. sinamahan kasi ako ni Lord nun. tenkyu po!
-eun. nu pa ba? may nahandle pala ako, ung bata naupuan nia ung lapis. aun. tinanggal sa flank nia ung pencil lead. haha
-grabe dami etits ng mga bata. hahaha. eksaktong summer kasi kaya season talaga ng pagpapatuli hehehe
-aun..ang dami namin na experience at nakita…nakakita na ako ng actual na colostomy, breast cancer patient..
-tas ang galing nung cauterization. hahaha la lang. pantanggal ng wart. haha
-ang pinakamaganda pa eh nahandle ng classmate ko ung dean ng FEU-NRMF IM. hahaha. nagpatanggal ng wart. aun. la lang. sabi ko nga sa classmate ko paka-ingatan niya yang case nia hahaha
-nung wala din cases, aun, nagtupi ng OS, gumawa ng cotton buds. haha. para lang kaming factory worker. hahaha
-may tinuli din pala. juding ang loka. 14years old. aus ang pekpek shorts. at pink pa ang panty! hahaha.kalurkey. hehehe la lang
-aun napaka-dami kong natutunan sa loob ng ASC. hmmm…naeexcite tuloy ako sa OR. haha. nung una nakakaba kasi kelangan mamentain ang sterility ng area..haha. pero nung tumagal na aun sanay na..saya2 talaga. hehe

REDCROSS TRAINING/SEMINAR
-sa RCDMC, Qc chapter, dun sa UP diliman.
-3days training per seminar. dalawa un. una is ung Basic Life Support- CPR training for health care providers tska ung disaster nursing.
-nung unsa sa BLS, aun. about CPR. aus nga eh. katoxic nga lang kasi may written at practical exam pa. para pag pumasa daw, meron kaming license. sus. hindi naman magagamit un. panu every year nirerenew un..hahha ewa
-ang saya kasi first kiss ko ang dummy ng redcross. (sori na lang sa boyps ko hahaha) as in mouth to mouth kung mouth to mouth! tapos may script pang sasabihin. hahaha. kaya aun after nung seminar puro hey hey are you ok ung pinagsasasabi namin.
-hey hey are you ok? hahaha
-sana makapasa para wala lang. maipagmayabang lang na may lisensya hahahaha. toink.
-sa Disaster nursing naman, aun disaster. nakakabobo ung lecturer dahil mali ang grammar nia. woooo. pero aus lang atleast kahit papano may natutunan naman ako. erase na lang ung mali. huhu.
-ang corny nung role playing, akala ko ung tipong may dugo dugo everywhere pa..akala ko lang pala.saya sana nun para talagang may disaster. hehe
-ang toxic talaga tas hindi pa conducive for learning un place. haaayz. buhay nga naman. bsta. salamat na din at may natutunan naman ako. feel ko nga magvolunteer dun after grad eh. kasi masarap ung nakakatulong sa kapwa mo. diba?

kill the boredom

pic taken at the rooftop of rcdmc

me, mark, robz, partner, and aia (dutymates ko yan hehe)

MEET-UP with a long lost ONLINE FRIEND
-April 25, 2008, 6pm at Gateway Mall Cubao.
-nagkita kami ni Jolas ARvin Laureles, an almost-5yr-online friend.
-nagulat na lang ako nung nagkachat kami, panu. ang tagal niya hindi nagpaparamdam skin, palibhasa may gf noon, eh ngayon wala. kaya aun.
-sabi niya meet daw kami kasi sa eastwood libis daw siya nagoo-ojt. aun. pumayag naman ako.
-dapat nga sa eastwood kami nagmeet kaso sa cubao na lang kesa lumayo pa ako. hahaha
-taga-quezon kasi siya, tas nagaaral sa UPLB. aun. naging magkachat kami since 3rd yr hs pa…tas un ngaun lang kami nagkita! hehehe. sa lahat ng online friend ko, siya ung talaga pinaka-close ko. kasi magkalapit din ung date ng bday namin (oct 27 xa, ako oct 29) hahaha anong kunek???hahah
-aun, sandali lang kami dun sa gateway. kumain lang tas konting usap tas un…umuwi na..pagod daw xe siya eh. naintindihan ko naman un. aun.
-ang nakakatawa sa meet up namin, kfc na naman ang kinain ko. lagi na lang. for the third time. nung kay mac sa trinoma, sa kfc kami kumain. kay kuya harry, kfc din. saya naman talaga.
-un. finally we’ve met (ano to commercial ng metathione? haha)

EXAM sa NCM 103

-kagulat kasi nung tues lang namin nalaman na exam pala kahapon.
-aun pagkagaling ng redcross seminar, deretso kami sa skul para sa exam
-hindi ako nagaral…pero…pero…ang dali ng exam! hahaha. buti na lang hindi ako nagaral hahaha

at bakita nga pala pacheese burger ka naman ang title? wala lang. nakikiuso nga lang. buti nga hindi ung pa-jerjer ka naman. sagwa nun. hahahaha

un lang…masyado akong naging busy, actually may time naman sana ako na bakante, un nga lang sa gabi. eh hindi na ako allowed pa na maginternet shop sa ganoong oras..hmmm…un lang…sana nagenjoy kayo sa walang kwentang kwento ko namiss ko kayo sobra…salamat sa mga nagcomment…hmmm…salamat sa mga bumibisita..hahaha salamat talaga :)

nga pala before i leave…

happy berdey kay adbot jr!!!

ung bear. hehehe. nagladlad na si adbot jr. hehehe.

cge un lang. bounz muna ako. byeeeee

asan ang tsinelas ko

April 10, 2008 15

Ito ay usapang tsinelas :)

mahilig ako sa tsinelas.

kahapon, nasa plaza fair ako (sa cubao). may mineet akong isang imporatanteng tao. habang naghihintay, ako ay nag-libot2x muna. sa aking paglilibot, madami akong nakita….damit…damit…jeans….bag…at higit sa lahat, tsinelas.

patay. wala akong dalang sapat na pera. pero buti na lang at wala. kundi, baka nawaldas ko na iyon ng wala sa oras.

naisip ko, “matagal tagal na din ako hindi nakakabili ng tsinelas ah…”

cge, artehan natin. FLIP FLOPS. hehehe

sa ngayon, meron akong limang pares ng tsinelas. walang branded. taktak palengke lang. malamang. purita lang ako eh. di ko afford bumili ng havaianas…keberkulosis, kung may 600Php lang ako mas pipiliin ko na lang bumili ng rubbershoes kesa sa havaianas. hahaha.

paa namin yan ni Kay. asan ung akin jan? hehehe. ako ung may suot na brown. halatang pang banketa lang ano?? 40php lang bili ko jan. actually. suot ko yan ngayong andito ako sa comp shop. hehehe. la lang. share ko lang. wehehehehehe.

Limang pares? sa totoo lang konti pa lang yan kumpara sa ibang mga adiktus talaga sa flip flops. dati pa nga, meron akong tsinelas na spongebob. wala na, napudpod na. 3 yrs ago pa kasi un. tapos meron akong tsinelas dati na kulay blue na may sequins. un kasi uso nun dati, may makintab na eklabu sa strap. binili ko un for 120 php ata sa sm. pinaka mahal na nabili ko at nagastos gamit ng pera na galing sa aking sariling bulsa. ang yabang ko na. hahahaha :lol:

madalas na lang ako naka-tsinelas. kahit aalis, naka-tsinelas na din. kulang na lang pati sa school at duty naka-tsinelas. hahaha. joke lang un. di naman ata pwede un. di naman ako taga lasalle na ganito ang pagkakasabi:

Guard: hey, bakit ka naka-tsinelas? hindi mo ba alam na hindi pepwede yan?
Mang Jack (DO officer): violation of rules and regulations! such a misconduct! (darn naka sali pa si mang jack haha)
Estupident: Duhh! Haller! it’s havaianas kaya! i brought it for 800 blah blah blah blabbers yadda yadda…..

(naging issue yan talaga sa DLSU, kaya ngayon pwede na naka-tsinelas sa campus) la lang. share ko lang. anu ba yan dami commercial. haha

going back, un na nga. gusto ko ulit bumili ng bago. almost a year na ata ung huling bili ko ng tsinelas..kasi naman, pina-pambahay ko na din ung mga tsinelas ko. hahaha.

kaso, napakadami kong pambili. sobrang dami (oh sarcasm hallelujah!haha)

huhu..gusto ko nun oh…green..green…haha AZA ka na lang yeye hehehe

 

aun. hmm. summer na..gusto ko ng bagong pares ng tsinelas. hehehe. (nagpaparinig. hahaha). size 9 paa ko. hahaha (ala sige parinig pa hahaha)

ang haba ng paa ko noh. kaya pag bumibili ako ng sapatos, hirap na hirap ako. pero pag sa tsinelas, eh keri lang. hehehehe

haaay. flip flops…

asan ang tsinelas kowwwww..?????

[edit]

pahabol lang. uhmm. baka maghiatus na naman ulet ako. haizt. di ko kasi sure kung totoo ba talaga ung sinasabi nila na 6days a week ang duty namin this summer. hmm. haizt. saya saya ng summer ko hehe. bukas sa ASC kami. cge un lang mga tao….nagpaalam lang. :)

[/edit]

Next Page »